We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

From Stop n Shop with Love

by bandidoband

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

1.
Intro 04:02
Ayaw na naming maniwalang may bukas pang darating mga pangakong ilang ulit nang narinig pero ganun pa rin Sino bang maiiwang kawawa di naman na kayo mga bata Binenta niyo na aming kaluluwa Mga punong pinutol kahit di kailangan mga bundok na kinalbo dahil kaya niyo lang ang lupang inangkin di na mapaplitan dahil ba malapit niyo nang iwan mundo dahil ba kahit papaano ligtas mga anak niyo hayaang magdusa anak ng iba Sino bang maiiwang kawawa Silang di naman nagkasala Iniasa na lang sa BAHALA NA
2.
Wala silang pake sayo kahit na mamatay ka sa gutom o kaya'y maiwang stranded sa kalsada, malayo sa pamilya basta sila ay maginhawa ayos na Wala silang pake sa'yo tama na'ng pagtatanggol mo sa mga taong kahit kelan di ka tinignan bilang tao mabuti pa kanilang aso malawak ang tinitirhan puno lagi hapagkainan "Bakit ba ganyan?" tanong sayo ng isang kawatan patalim sa tagiliran pilit kang kinapkapan nabadtrip nung makita wallet mong walang laman sabi niya, "PAREHO LANG PALA TAYO NG KALAGAYAN."
3.
Yakap 03:38
Isang gabi ako'y pauwi Nagkukumpulan ang mga tao kaya huminto sandali May isang babaeng nakahandusay kahit tignan mo sa malayo Iba na ang kanyang kulay Sabi ng isang ale Nanggaling daw sa itim na van Bulong naman ng isang lalake Siguro tulak yan Ano kaya pangalan niya May naghihintay kaya Sa mga yakap niya at halik Meron kayang nananabik Ano kaya pangalan niya Meron kayang umaasa na ngayong gabi Sila'y magkakasamang muli Lumipas ang ilang minuto nagsikonti ang mga tao meron namang malapit na presinto Ba't wala pang pulis dito yung iba derederecho lang sa paglalakad Ni hindi lumilingon Na parang ordinaryo lang lahat Sabi ng isang bata Pangatalo na yan ngayong linggo Umiiling ang isang mama Ganyan talaga dito ANO KAYA PANGALAN NIYA May naghihintay kaya Sa mga yakap niya at halik Meron kayang nananabik Ano kaya pangalan niya Meron kayang umaasa na ngayong gabi Sila'y magkakasamang muli
4.
Litter, G? 03:20
Salamat po o Panginoon puno ang hapagkainan ngayon may tatlong buwan pang reserba buti masinop kami sa pera Salamat po o Panginoon mas close na ang aming pamilya ngayon sabihin mang ito'y trahedya ramdam namin ang iyong presensya Salamat po o Panginoon para sa inyong laging pagtugon dahil po sa inyong biyaya di namin kailangang sa iba umasa ALELUYA
5.
Lunes dun tayo sa may Tandang Sora Martes dun tayo sa may Sta Mesa Miyerkules malapit na tayo sa quota Huwebes pwede nang magpahinga Biyernes ay puno ng kasiyahan libutin lahat ng beerhouse sa kamaynilaan Sabado may bago na namang listahan at pagsapit ng Linggo magsisimba muna sa Baclaran O kay bilis ng aming pagdating mga patubong sungay ay puputulin salot sa lipunan ay uubusin huwag matakot mga masunurin SA ISANG SULYAP LANG NAWALA RIN LAHAT
6.
Kahit anong taas malulundag Kahit anong tigas pababagsak Kahit ilang tadyak Kahit ilang sapak Kahit ilang tinik malalakad Kahit anong tibay mababasag Kahit ilang laglag Kahit i-bodybag Gagawin niya ang lahat Kahit sa presyong binabarat Iindain anumang hirap Basta may maiuwi sa anak Anumang bali at sugat Sa post-dated na bayad Ganyan ang buhay Araw-araw stunt! Kahit ilang dipa pahahatak Kahit anong lalim pabababad Kahit ilang saksak Kahit ilang ratrat Kahit anong layo, liliparin Kahit anong init, papasukin Kahit ilang sadsad Kahit ilang kaldag Gagawin niya ang lahat Kahit sa presyong binabarat Iindain anumang hirap Basta may maiuwi sa anak Anumang bali at sugat Sa post-dated na bayad Ganyan ang buhay Araw-araw stunt! Ang buhay niyang salat Balang-araw ay aangat At ang mga nanghahamak Isa-isang ilalaglag AT SILA'Y MAGBABAYAD SA MGA HARI NG STUNT
7.
Laruan 03:54
Tila ba tayo'y naglalaro para lang tayo'y matalo ginagawa tayong laruan ng mga haring nagpupustahan Saktong-sakto lang bilang na bilang bawal magkasakit talagang magkukulang pati ligaya ay minanipula gusto mo ba talaga ang iyong ginagawa Habang tumatanda ay nawawala paniniwala na meron kang magagawa umaasa na lang na bukas makalawa tayo ay magkaisa Tila ba tayo'y naglalaro para lang tayo'y matalo ginagawa tayong laruan ng mga haring nagpupustahan Hanggang kelan ba tayo ganito di tayo maliligtas ng isang tao wala nang magagawa ang Ama Namin hanggat hindi sila ang pagbayarin sa pagkukulang, sa lubusang pagkakalubog natin sa utang niyuyurakan ating pagkatao nilang kung ituring natin santo Tila ba tayo'y naglalaro para lang tayo'y matalo ginagawa tayong laruan ng mga haring nagpupustahan
8.
Infomercial 02:52
PAANO PUMATAY NG TAO? Maraming paraan para pumatay ng kapwa Pwede kang manaksak, pwede kang mamaril Pwede mong ihampas yung ulo niyo sa pader Pwede mo siya ipagulpi kung ayaw mo sa first-hand violence Kasi sabi mo nga hindi ka bayolente Pwede kang pumutol ng puno Pwede manira ng tahanan, literal na ipagiba mo yung bahay Tapos tanggalan mo ng kabuhayan Pwede rin palang makipagkaibigan Konting plastikan, chismisan Kapag siya nangailangan bigla mo na lang iwan Madali lang naman, hindi naman ganun kakomplikado Lalong-lalo na kung ikaw ay respetadong tao Angat sa lipunan, may titulo sa pangalan Di gagawa ng anumang kamalian Pero atin-atin lang ha? Alam naman ng lahat kung sino ka At kung ano ang kaya mong gawin Open secret nga ika nila e Pabor dito, pabor dyan Isang sakong bigas, paybtawsan Isang daang pamilya, roll call WAG KALIMUTANG MAG ALCOHOL Picture dito, picture dyan Masabing may relief ops na sinusuportahan O TEKA BAKA MAPIKON KA NYAN Baka paguwi ko sa'min meron nang nagaabang Chill ka lang Bossing tutulungan kitang makamit ang iyong layunin Na pinasa ng Lolo mo sa Tatay mo at ng Tatay mo sayo KUNG ILANG LOLO BAGO YUN DI AKO SIGURADO Ang alam ko lang para walang gulo at safe ako Buong pusong maniniwala at susunod sayo Tunay na paninindigan hanggang sa oras ng kagipitan Kung kailangan mo pumatay ng tao Alam mo kung sino lalapitan
9.
Wakas 07:38
I. Nagbago na ang kalikasan naghahamon ang panahon darating ang araw wala tayong maiinom kahit ang paghinga di mo na magagawa nang walang tulong ng debateryang makina Wala nang pinagkaiba ang tagaraw sa tagulan kahit na tagaraw bigla-biglang umuulan bumabaha na lang bigla may ilog na maya-maya gawa ba ito ng tao o ng Dakilang Lumikha? KUNG DI NGAYON MERON PA BANG PAGKAKATAON maitama ang mga mali, mga mali ng kahapon II. Langit wag mo kaming ipahintulot sa mala impyernong lupa na aming dinadanas ngayon III. Nagtipon ang mga heneral at hukom mga pulitikong iba't-ibang lahi alam nila na ang nangyayari ngayon di masosolusyunan ng talumpati raketang papuntang ibang planeta sandalan ng kanilang salinlahi samantalang ang mga tulad natin MAIIWANG NAKATINGALA SA LANGIT IV. Nandito kami upang pigilan ang inyong tangkang paglisan di kami matatakasan, maninigil na ang taumbayan Pinanood namin kayo MAGING GANID SA MUNDO lahat ng pwedeng matamo di niyo ba alam pinataba niyo lang mga sarili niyo para sa araw ng aming PAGKATAY SA INYO!

credits

released January 31, 2024

BANDIDO 2024
Abel - lyrics, vocals, keys
Dylan Iver - lyrics, vocals, guitars
Ced Olayres - vocals, bass
Kobe Sanchez - lyrics, vocals, drums

Auxillary:
Ner Alvarez - guitars
Jason Dyandi - percussion
Charlene Roman - vocals

To everyone who made the album possible.

Mark Estandarte, Strawberry Jams Music Studio
Inigo Mortel, Banana Rising Recording Studio
Lemjan Esguerra
Jayme Ancla

license

all rights reserved

tags

about

bandidoband Manila, Philippines

KEEP ROCKIN' IN THE FREE WORLD

contact / help

Contact bandidoband

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like bandidoband, you may also like: