We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Unemployed

by bandidoband

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $1 USD  or more

     

about

Isang labsong para sa mga nawalan ng trabaho sa panahon ng kagipitan.

lyrics

Monday namimiss kita
Isang linggo na tayong di nagkikita
Alam mo ba na merong quiz kanina
Singko na daw mga 'di nakakuha
Pero kinausap ko si ma'am na baka pwede
Ka niyang pagbigyan
Sinabi kong nagtatrabaho ka't ikaw inaasahan ng iyong pamilya...
Ng iyong pamilya...

Kaya nagpunta ako sa megamall
Promodiser ka sa department store
Tinanong ko mga katrabaho mo
Nakita niyo ba yung girlfriend ko?
Sabi nila isang linggo ka nang wala
Ako'y nagaalala bigla
Nung naalala ko mga salita na binalewala ko...
Nung nakaraang linggo...

Refrain:
Ang sabi mo baby...
Wala na akong trabaho
Kasi baby...
Nag-endo na kontrata ko
Oh baby...
Nakikinig ka ba?
Sagot ko'y oo...
Kahit naglalaro lang ako
Naglalaro ng cellphone ko

Monday namimiss kita
Ngayon ako'y nakokonsensya
Walang alam sa mga nangyari
'Di pinakinggan ang iyong sinabi
Ngayong malaki ang iyong problema
Paano na ang iyong pamilya
Isang linggong walang trabaho
'Wag magalala andito lang ako...
Andito lang ako...

Chorus:
Don't you cry (Andito lang ako)
Sasamahan kang mag-apply (Kahit saan pa yan)
Uutang pa sa bumbay
May pang gastos ka lang

Don't you cry (Andito lang ako)
Sasamahan kang mag-apply (Kahit saan pa yan)
Uutang pa sa bumbay
May pang gastos ka lang ngayon

Tuesday ay tumawag ka
Akala ko pa nga ay badtrip ka
Sinabi mo meron kang balita
Pupunta ka na ng ibang bansa
Sa Hong Kong may isang pamilya
Na naghahanap ng yaya
Alam ko'ng para 'to sa pamilya mo
Kaya cool off muna tayo...
Wala munang tayo...

Chorus:
I won't cry
Kahit wala ka na inday
Laki ng utang mo sa bumbay
Sino magbabayad nyan ngayon?

I won't cry
Kahit wala ka na inday
Laki ng utang ko sa bumbay
Sino magbabayad niyan ngayon?
Sinong magbabayad nyan

credits

released April 12, 2018
Saturnine Audio
Raphael Pulgar

Vocals: Abel Escultero Muriel
Guitar: Genaro Alvarez
Guitar: Daniel Armedilla
Drums: Yohann Stifler
Bass: Mars Siblag

license

all rights reserved

tags

about

bandidoband Manila, Philippines

KEEP ROCKIN' IN THE FREE WORLD

contact / help

Contact bandidoband

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like bandidoband, you may also like: