1. |
Intro
04:02
|
|||
Ayaw na naming maniwalang may bukas pang darating
mga pangakong ilang ulit nang narinig pero ganun pa rin
Sino bang maiiwang kawawa di naman na kayo mga bata
Binenta niyo na aming kaluluwa
Mga punong pinutol kahit di kailangan
mga bundok na kinalbo dahil kaya niyo lang
ang lupang inangkin di na mapaplitan
dahil ba malapit niyo nang iwan mundo
dahil ba kahit papaano ligtas mga anak niyo
hayaang magdusa anak ng iba
Sino bang maiiwang kawawa
Silang di naman nagkasala
Iniasa na lang sa BAHALA NA
|
||||
2. |
Coffee Shop Music
02:26
|
|||
Wala silang pake sayo
kahit na mamatay ka sa gutom o kaya'y
maiwang stranded sa kalsada, malayo sa pamilya
basta sila ay maginhawa ayos na
Wala silang pake sa'yo
tama na'ng pagtatanggol mo sa mga taong
kahit kelan di ka tinignan bilang tao
mabuti pa kanilang aso malawak ang tinitirhan
puno lagi hapagkainan
"Bakit ba ganyan?"
tanong sayo ng isang kawatan
patalim sa tagiliran pilit kang kinapkapan
nabadtrip nung makita wallet mong walang laman
sabi niya, "PAREHO LANG PALA TAYO NG KALAGAYAN."
|
||||
3. |
Yakap
03:38
|
|||
Isang gabi ako'y pauwi
Nagkukumpulan ang mga tao
kaya huminto sandali
May isang babaeng nakahandusay
kahit tignan mo sa malayo
Iba na ang kanyang kulay
Sabi ng isang ale
Nanggaling daw sa itim na van
Bulong naman ng isang lalake
Siguro tulak yan
Ano kaya pangalan niya
May naghihintay kaya
Sa mga yakap niya at halik
Meron kayang nananabik
Ano kaya pangalan niya
Meron kayang umaasa na ngayong gabi
Sila'y magkakasamang muli
Lumipas ang ilang minuto
nagsikonti ang mga tao
meron namang malapit na presinto
Ba't wala pang pulis dito
yung iba derederecho lang sa paglalakad
Ni hindi lumilingon
Na parang ordinaryo lang lahat
Sabi ng isang bata
Pangatalo na yan ngayong linggo
Umiiling ang isang mama
Ganyan talaga dito
ANO KAYA PANGALAN NIYA
May naghihintay kaya
Sa mga yakap niya at halik
Meron kayang nananabik
Ano kaya pangalan niya
Meron kayang umaasa na ngayong gabi
Sila'y magkakasamang muli
|
||||
4. |
Litter, G?
03:20
|
|||
Salamat po o Panginoon
puno ang hapagkainan ngayon
may tatlong buwan pang reserba
buti masinop kami sa pera
Salamat po o Panginoon
mas close na ang aming pamilya ngayon
sabihin mang ito'y trahedya
ramdam namin ang iyong presensya
Salamat po o Panginoon
para sa inyong laging pagtugon
dahil po sa inyong biyaya
di namin kailangang sa iba umasa
ALELUYA
|
||||
5. |
Isang Linggong Toke Hang
02:00
|
|||
Lunes dun tayo sa may Tandang Sora
Martes dun tayo sa may Sta Mesa
Miyerkules malapit na tayo sa quota
Huwebes pwede nang magpahinga
Biyernes ay puno ng kasiyahan
libutin lahat ng beerhouse sa kamaynilaan
Sabado may bago na namang listahan
at pagsapit ng Linggo magsisimba muna sa Baclaran
O kay bilis ng aming pagdating
mga patubong sungay ay puputulin
salot sa lipunan ay uubusin
huwag matakot mga masunurin
SA ISANG SULYAP LANG NAWALA RIN LAHAT
|
||||
6. |
Enter Stuntman
05:08
|
|||
Kahit anong taas malulundag
Kahit anong tigas pababagsak
Kahit ilang tadyak
Kahit ilang sapak
Kahit ilang tinik malalakad
Kahit anong tibay mababasag
Kahit ilang laglag
Kahit i-bodybag
Gagawin niya ang lahat
Kahit sa presyong binabarat
Iindain anumang hirap
Basta may maiuwi sa anak
Anumang bali at sugat
Sa post-dated na bayad
Ganyan ang buhay
Araw-araw stunt!
Kahit ilang dipa pahahatak
Kahit anong lalim pabababad
Kahit ilang saksak
Kahit ilang ratrat
Kahit anong layo, liliparin
Kahit anong init, papasukin
Kahit ilang sadsad
Kahit ilang kaldag
Gagawin niya ang lahat
Kahit sa presyong binabarat
Iindain anumang hirap
Basta may maiuwi sa anak
Anumang bali at sugat
Sa post-dated na bayad
Ganyan ang buhay
Araw-araw stunt!
Ang buhay niyang salat
Balang-araw ay aangat
At ang mga nanghahamak
Isa-isang ilalaglag
AT SILA'Y MAGBABAYAD
SA MGA HARI NG STUNT
|
||||
7. |
Laruan
03:54
|
|||
Tila ba tayo'y naglalaro
para lang tayo'y matalo
ginagawa tayong laruan ng mga haring nagpupustahan
Saktong-sakto lang bilang na bilang
bawal magkasakit talagang magkukulang
pati ligaya ay minanipula
gusto mo ba talaga ang iyong ginagawa
Habang tumatanda ay nawawala
paniniwala na meron kang magagawa
umaasa na lang na bukas makalawa tayo ay magkaisa
Tila ba tayo'y naglalaro
para lang tayo'y matalo
ginagawa tayong laruan ng mga haring nagpupustahan
Hanggang kelan ba tayo ganito
di tayo maliligtas ng isang tao
wala nang magagawa ang Ama Namin
hanggat hindi sila ang pagbayarin
sa pagkukulang, sa lubusang
pagkakalubog natin sa utang
niyuyurakan ating pagkatao
nilang kung ituring natin santo
Tila ba tayo'y naglalaro
para lang tayo'y matalo
ginagawa tayong laruan ng mga haring nagpupustahan
|
||||
8. |
Infomercial
02:52
|
|||
PAANO PUMATAY NG TAO?
Maraming paraan para pumatay ng kapwa
Pwede kang manaksak, pwede kang mamaril
Pwede mong ihampas yung ulo niyo sa pader
Pwede mo siya ipagulpi kung ayaw mo sa first-hand violence
Kasi sabi mo nga hindi ka bayolente
Pwede kang pumutol ng puno
Pwede manira ng tahanan, literal na ipagiba mo yung bahay
Tapos tanggalan mo ng kabuhayan
Pwede rin palang makipagkaibigan
Konting plastikan, chismisan
Kapag siya nangailangan bigla mo na lang iwan
Madali lang naman, hindi naman ganun kakomplikado
Lalong-lalo na kung ikaw ay respetadong tao
Angat sa lipunan, may titulo sa pangalan
Di gagawa ng anumang kamalian
Pero atin-atin lang ha?
Alam naman ng lahat kung sino ka
At kung ano ang kaya mong gawin
Open secret nga ika nila e
Pabor dito, pabor dyan
Isang sakong bigas, paybtawsan
Isang daang pamilya, roll call
WAG KALIMUTANG MAG ALCOHOL
Picture dito, picture dyan
Masabing may relief ops na sinusuportahan
O TEKA BAKA MAPIKON KA NYAN
Baka paguwi ko sa'min meron nang nagaabang
Chill ka lang Bossing tutulungan kitang makamit ang iyong layunin
Na pinasa ng Lolo mo sa Tatay mo at ng Tatay mo sayo
KUNG ILANG LOLO BAGO YUN DI AKO SIGURADO
Ang alam ko lang para walang gulo at safe ako
Buong pusong maniniwala at susunod sayo
Tunay na paninindigan hanggang sa oras ng kagipitan
Kung kailangan mo pumatay ng tao
Alam mo kung sino lalapitan
|
||||
9. |
Wakas
07:38
|
|||
I.
Nagbago na ang kalikasan
naghahamon ang panahon
darating ang araw wala tayong maiinom
kahit ang paghinga di mo na magagawa
nang walang tulong ng debateryang makina
Wala nang pinagkaiba ang tagaraw sa tagulan
kahit na tagaraw bigla-biglang umuulan
bumabaha na lang bigla
may ilog na maya-maya
gawa ba ito ng tao o ng Dakilang Lumikha?
KUNG DI NGAYON MERON PA BANG PAGKAKATAON
maitama ang mga mali, mga mali ng kahapon
II.
Langit wag mo kaming ipahintulot
sa mala impyernong lupa na aming dinadanas ngayon
III.
Nagtipon ang mga heneral at hukom
mga pulitikong iba't-ibang lahi
alam nila na ang nangyayari ngayon
di masosolusyunan ng talumpati
raketang papuntang ibang planeta
sandalan ng kanilang salinlahi
samantalang ang mga tulad natin
MAIIWANG NAKATINGALA SA LANGIT
IV.
Nandito kami upang pigilan
ang inyong tangkang paglisan
di kami matatakasan, maninigil na ang taumbayan
Pinanood namin kayo
MAGING GANID SA MUNDO
lahat ng pwedeng matamo
di niyo ba alam pinataba niyo lang mga sarili niyo
para sa araw ng aming PAGKATAY SA INYO!
|
Streaming and Download help
If you like bandidoband, you may also like:
Bandcamp Daily your guide to the world of Bandcamp